Listen Live

KUYA CHICO

Full Name?

Mark Jimel Delos Santos Gales


Birthday?

April 7, 1988


San ka Grumaduate ng college?

De La-Salle University Dasmarinas sa Cavite.


 Anong course mo?

Bachelor of Arts in Broadcast Journalism. Double Major Course, pauso ng La- Salle Dasma.


Anong Favorite food mo?

‘Di ako adventurous sa pagkain. Pinoy food lang, okay lang ibang cuisine ‘wag lang hardcore yung lasa for example yung mga Indian foods.


 Ano ang una mong kinakain sa buffet?

Hinahanap ko ay tempura, tsaka lugi kasi ako sa mga buffet. Hindi ako malakas kumain. Hindi ko alam, hindi ako masiba. Mabilis ako mabusog,mabilis akong kumain. Matagal akong magutom ulit. Mahina panunaw ko. Usually, maximum na yung dalawang balik. Kapag tinignan mo ako, akala mo ang takaw takaw ko. Akala mo ang siba-siba, pero hindi talaga.


Anong dream name mo sa radyo?

Ang naiisp ko dati dahil, idol ko si King DJ Logan parang gusto kong Prince DJ something. Basta may Prince.


 Sa lahat ng characters mo sa radio – Lola Kerps, Kapitan Tutan, Not-not at Madame Chicky, sino sa kanila yung pinaka-paborito mo?

Paborito ko? Ewan ko, parang wala naman akong paborito, pero feeling ko paborito ng tao si Kapitan, kung hindi si Kapitan, si Lola Kerps. Alam mo naman ‘yung mga pinoy, kapag naughty, mabenta. May times na may mga dumadalaw sa’kin, hinahanap niya si Kapitan. Akala ko nung una nakikisakay lang, nagjojoke lang, habang tumatagal hinahanap niya si Kapitan. Seryoso na siya, “nasaan ba si Kapitan?” eh di ako naman, nung una sinasabi ko “nag-CR po eh.” Hanggang sa hindi ko na alam ‘yung sasabihin ko sa kanya.


 What’s the best part of being a DJ?

Siguro best part ‘dun is to touch each other’s life through your craft. ‘Di ba yung tipong maipagpapatuloy mo ‘yung legacy ng- kasi halimbawa ako, ginusto ko maging DJ dahil nung bata ako mayroon akong napakinggang DJ and since  then sabi ko gusto ko ‘yung ginagawa niya, gusto ko maging ganun at kumbaga finollow ko lang, sinundan ko lang hanggang sa eto na ako nagyon. Since nagstart ako nung 2009 hanggang tumagal nang tumagal, may mga ganyan na din na somehow nakakataba ng puso na nagsasabing “lagi po akong nakikinig, gusto ko pong maging katulad ninyo.” You’re being able to continue ‘yung legacy ng pagpapakalat ng art, ng FM radio, ng music and all. ‘Yun yung advocacy kumbaga na sinimulan ng mga previous batch ng mga DJs kasi for sure, kung sino man ‘yung pinakinggan ko before malamang ganun din, may pinakinggan din siya before.


 Kung hindi ka DJ ngayon, ano ka?

Siguro door knob ako! Hahaha! Di ko alam eh! Alam mo ‘yan ‘yung tanong na di ko kayang sagutin. Kasi kung hindi ako DJ, hindi ko alam. Siguro bold star ako . Hndi ko alam kasi wala talaga,grade 4 pa lang ako  gusto ko na mag DJ so pangarap ko talaga ‘to wala nang iba pa.


What’s your ideal weekend?

Ideal weekend? Ideally ang weekend ay family. Lalo na pag Sunday, family time. ‘Di mo ako mapapagtrabaho ng linggo. Kapag walang budget pahi-pahinga na lang kayo pero kapag may budget, “O tara! Punta tayo kung saan mang ‘di pa napupuntahan, try natin! May sasakyan naman!”


Ano or sino ang pa nagpapasaya sa’yo?

Nagpapasaya sa’kin, pang-tatay sagot ko diyan eh. Pero na-realize ko, lalo na nung nagpunta ako sa Dubai – kapag masaya ‘yung pamilya o pag masaya ‘yung taong malapit sa’kin. Lalo na ‘yung  pinsan ko, kasi bigyan mo sila ng kung ano mang something, o kaya ‘yung  auntie mo treat mo sa pa-massage o kaya nag buffet kayo ng pamilya paminsan-minsan tapos ang saya-saya nila. ‘Yung alam mong masaya sila, ang saya-saya sa feeling.


Biggest fear in life?

Siguro sa ngayon ha! Biggest fear ko ay ‘yung makalimutan ako ng mga tao as Chico or as Kuya Chico – yung parang pag pinag-usapan, “Sino si Chico? Sino si Kuya Chico? Parang ‘ha? Sino ba y n?” ‘yung mga ganon. As a DJ, ‘yun ‘yung fear ko na ‘ yung hindi ka na maging effective sa ginagawa mo. ‘Yung mangamatay ka na dyan araw araw mong pangangawa wala nang nakaka-appreciate sa’yo, nakakatakot. “yung parang wala ka nang kwenta, at saka nakakatakot ding sumagi ‘yung hinliliit mo sa kanto ng paa mo sa table. Ang sakit eh. Pero mas nakakatakot iwanan ng minamahal.


For you, what is crush?

Crush? Pag-hanga. Siyempre ‘di ba, when you see someone and you notice something about him or her, na you find it interesting. Gusto mo’yun. Gusto mo na s’ya dahil du’n.


Hugs or Kisses?

Parang ang hirap naman nun.Pwede bang pareho? Pero siguro hug. Kasi mas kayang i-prolong ‘yung hug kesa sa kiss eh, so hug na lang. ‘Dun naman yan nagsisimula eh. Una hug, dun pa rin mauuwi.


What is love?

Love, love, love can make babies, hahaha! ‘Di ba ‘pag nagmahalan naman kayo tapos ‘di ba iyon ‘yung bunga ng inyong pagmamahalan? So I guess, love can make babies.


Best piece of love advice ni Kuya Chico?

Pag kay Jim lubid at sako, blade lang ‘yan eh. Pag lubid, bigti na friend! Hahaha! On a serious note, para sa mga mag-jowa na kahit gaano kayo kagalit sa isa’t isa, kahit gaano kayo kamuhing-muhi on that day, never allow na magka-sakitan kayo physically, and never allow na ikaw ‘yung magiging dahilan para mapahiya ‘yung partner mo – in public, kasi ‘pag nangyari ‘yun, nawala na ‘yung respeto mo sa kanya hindi lang bilang partner kundi pati bilang tao. Bilang partner dapat ikaw ‘yung kauna-unahang taong pu-protekta sa nararamdamn niya, sa ego niya and all. Pero pag nangyari na ‘yun, nagsisigawan na kayo sa harap ng maraming tao, nagsasakitan na kayo sa jeep, maghiwalay na lang kayo kasi ‘pag nasimulan na ‘yan magiging tuluy-tuloy na ‘yan eh. Magiging precedent na ‘yan ng mas malalang away pa. Kumbaga kahit gaano kayo kagalit sa isa’t isa, parang never mo siyang murahin, kasi kapag nagsimula na ‘yan minura mo na, naging kumportable kana tuluy-tuloy na ‘yan. Galit ka? It doesn’t mean na kapag galit ka, di mo na siya mahal eh, galit ka lang. Galit ka lang pero mahal mo pa rin ‘yung tao. At sinasabi ko naman, when you love someone, don’t push that person away.