Listen Live

DJ SHEENA


Full name?

Glorglenne Aradelle Lizardo Wong.

Grade two ako nung nalaman ko na may Glorglenne pala dahil ang tinuro lang sakin ng nanay ko Aradelle. Hinagis ko yung card ko nun, sabi ko sino ‘tong Glorglenn?! Hindi ako ‘yan!


 Kailan ang birthday mo?

September 26, 1992.


 Who’s your favorite singer or band?

Sa foreign siguro, yung Air Supply. Wala akong masyadong favorite pero ‘yan ‘yung gusto kong pakinggan – Michael Learns to Rock, Carpenters at si April Boy Regino.


 Ano yung paborito mong kanta ni April Boy Regino?

Syempre, hindi talaga mawawala ‘yung “’Di Ko Kayang Tanggapin” pero pangalawa dun ‘yung “Sana ay Mahalin Mo Rin Ako”  tsaka ‘yung “Honey My Love So Sweet”.


 Sino naman ang Favorite Actor mo?

Si Johnny Depp. Favorite ko si Johnny Depp kasi feeling ko ako s’ya. Alam mo ‘yung kahit anong character parang kaya niya? ‘Yung siya yung naga-adjust, hindi yung role ang maga-adjust sa kanya? Sobrang flexible n’ya sa lahat. 


Anong favorite movie mo?

Madami! If Only, Fifty First Dates, P.S. I Love You and Miracle Cell No.7.


 What are your hobbies?

Pang-sosyal! Wow charot! Mag-paint, drawing ganyan. Kasi yung daddy ko nagdu-drawing, so mahilig rin akong mag-drawing, mag-kulay ganyan…


 Paano ka naging DJ sa Energy FM?

Una talaga ‘tong inapplayan ko pagka-graduate, pero as AE. Hindi ako tinanggap nun pero ‘yun nga during the interview nagtanong sila kung ano pa ang kayang gawin? Sabi ko kaya ko pong mag-boses Chipmunks, eh syempre pabibo para matanggap. So nag-chipmunks ako, pero after nun ‘di pa rin talaga ako natanggap. Tapos nag-work ako sa Ad Agency tapos after 9 months, biglang may tumawag from Energy, sabi ano, “sinave kasi namin ‘yung boses mo.”  Tapos sabi niya may opening for DJ, baka interesado daw ako. Sabi ko, sige po. Iniyakan ko na yun kasi ano ako mag-isip, ‘yung advanced. Iniisip ko na agad na mare-reject, iniisip ko na hindi ako matatanggap, na libo-libo ‘yung mago-audition. Sabi nila i-try ko lang, wala namang mawawala. ‘De nagtry ako, nag-record ako. Tapos nagulat na lang ako after two weeks ata, bigla akong pinabalik. Naaksidente pa ako bago pa ‘yung last interview ko. As in alas-dos ng madaling araw, naaksidente ako sa motor tapos alas-otso ng umaga ‘yung meeting ko, galing pa ‘ko ng ospital. As in duguan pa. Pagdating ko dito [sa Energy]nagulat sila, sabi nila “Oy anong nangyari sa’yo?” sabi ko, naaksidente po ako, hay nako ganyan ang nangyari! Eh kung ‘di ako tumuloy wala ako dito.


Ano ‘yung nararamdaman mo kapag naaalala mo yung experience mong ‘yun?

Pag-iisipin mo maiiyak ka eh, ‘yung parang hindi mo ine-expect. Kasi nga ‘yun lagi ‘yung description ko sa pangyayari sa buhay ko. Parang feeling ko bumili lang ako ng suka, tapos naka-upo ka na d’yan [sa DJ’s booth]so parang pag naka-upo ka na d’yan feeling mo reyna ka, parang gano’n. Iba ‘yung feeling na meron kang nakakabit na pangalan na DJ. So parang ano, mahihiya ka kapag hindi mo ginalingan, may hiya factor na kunwari nabulol ka ng isang beses, sobra kang mahihiya ‘yung parang naupo ka d’yan pinayagan ka sa posisyon na ‘yan, ssang daming may gusto niyan tapos ikaw, ganyan?


 Any unforgettable moment with a fan?

 Yung may nagpa-pirma sa damit niya tapos sinabi niya na kinu-compile pa niya lahat ng articles tungkol sa akin. Tapos meron pa siyang banner, tapos nagulat ako na parang, “Ha? Bakit?” Eh parang bumibili lang ako ng suka para sa bahay tapos biglang may nagi-idolo sayo ‘di ba?


 Best part of being a DJ?

Yung kapag nagbibigay na ng opinyon. Kunwari sa love talaga. Parang feeling ko kasi ang angas ng dating ko na parang, ang yabang naman neto  akala mo alam n’ya lahat. Parang ako naman sobrang lakas ng batayan ko kasi nangyari sa’kin. Napaka-dami kong hugot! Hindi ako nagsasalita ng walang basis dahil naranasan ko.


Bilang isang huguterang DJ, ano ang hugot mo sa mga “ex”?

“Huwag kang manghinayang, sa taong ikaw ang sinayang.” Oo, kasi sinayang nila ‘ko, kasi sobrang  proud talaga akong sabihin ‘yun kasi sino pa bang magpa-pasensya na tulad ng pagpa-pasensya ko? Hindi sila magiging katulad ko!


Ano ba ang nagpapalambot sa isang bebot na puro hugot?

Kapag dinaan na ako sa mga letters. ‘Yung unang panahong klase ng panliligaw – yung mga tipong nag-iiwan ng note, nagbibigay ng gifts. Tapos ‘yung may mga banat, oo cheesy ako eh, promise! Corny akong tao.


 Lastly, ano naman ang masasabi mo sa partner mo sa radyo na si Jimbo?.

Si Jim sobrang daling pakisamahan, alam mo ‘yung parang unang kita ko palang … Wow! Dilim ah?! Hahaha! Unang kita ko pa lang sa kanya, feeling mo mapapalagay talaga ‘yung loob mo sakanya. Hindi ako naka-feel sa kanya na, napaka ano naman neto epal, ganyan, hindi. Ewan ko, parang feeling ko mag-kaibigan na kami agad ng 45 years ago ganu’n.