Listen Live

DJ LINDSAY

Real name?

Lara A.


 Ano ang nickname mo sa bahay?

Lareng. Actually yung Lareng eh nagsimula lang noong college. Hanggang sa malaman ng mga magulang ko na ‘yun ang tawag sa akin, so laring na rin sila ng laring, minsan reng. Pag sobrang close ko kase yun lang, sila lang yung nakaka-alam niyan eh. so pag tinatawag nila ako.. Reng.. halika dito, ganyan. So Reng!


Birthday?

March 1


 Anong course mo nung college at saan ka nag-aral?

Broadcast Communication, sa University of the East Manila.


 Favorite song?

“I Miss You Like Crazy” ni Natalie Cole. It brings back memories nung mga dating palabas kasi nila Gary Valenciano and Aga Mulach. Nagagandahan lang ako sa mga original soundtrack noong mga ganung panahon kasi parang punong-puno ng puso. Mahilig si Lara sa mga Michael learns to rock na kanta. Kasi jan ako lumaki eh jan sa mga ganyang kanta mahilig din ako sa mga boybands – Backstreet Boys and Westlife.


What’s your favorite movie?

The Avengers? ‘Yun pa rin.. Ano pa ba? Hmmm. Ocean Eleven. I like super natural na mga pelikula. Ayoko ng masyadong madrama, ayoko ng mga umiiyak dahil sa pag-ibig. Gusto ko ‘yung tipong, alam mo ‘yun – fantasy, ganyan. Everything happy lang.


 Kung magiging bida ka sa isang movie, sino ang actor na gusto mong maka-loveteam?

Si Ejay Falcon. Ang gwapo niya kasi! Tsaka feeling ko hindi siya yung maangas na tipo ng tao. Parang ang simple lang niya.


Sino si Lindsay sa radio?

actually may pressure yan para saking yung pagigign Lindsay na yan kase..si Lindsay kase pag pinakinggan parnaga ano eh pakikay ng konti na patnag classy ganyan. Ang hirap sundan eh sa personality pero ok din naman Lindsay.


Difference ni Lara kay Lindsay?

si lara kasi.. May pagka seryoso  yata si lara kahit papano paminsan minsan. Tapos.. pero ano naman siya,, naniniwala naman akong may pagka friendly naman siya, pero most of the time si lara eh may pagka seryoso sa mga bagay-bagay sa buhay. Actually si lara at si Lindsay ay magkaiba ang personality niyan. Si lindsaya kase eh madaldal na malambing na pabiba. Si lara walang pakialam kahit walang pumapansin sa kanya, basta gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin, isusuot niya kung anong gusto niyang isuot, paninindigan niya yung mga babagy na pinaniniwalaan niya. Si Lindsay parang pabiba yan, sinasabi niya kahit anong gusto niya, feeling niya lahat ng sinasabi niya ay tama. Si lara walang pakialam sa sasabihin ng iba, basta gusto niyang gawin yung isang bagay, gagawin niya.


 Bakit girlfriend sa radio si Lindsay?

Pag sinabi mong girlfriend, magki-care sayo, magbibigay sayo ng anything, hindi naman everything but anything you need bilang partner. Gusto ko ganun si Lindsay – yung tipong maarte siya, ma-kikay siya pero mabibigyan ka niya ng kung anong kailnangan mo, lalambingin ka niya, bibigyan ka niya ng information. Ideal girlfriend, girlfriend sa radyo.


 Ano ba ang dapat gawin ng isang lalaki para maging girlfriend niya talaga si Lindsay hindi lang sa radio?

Alagaan ng bongang-bonga! Napaka-bait ni Lara bilang girlfriend noon eh na tipong aabusuhin at naloloko. So ganyan si Lara – madalas siyang naloloko before, tapos umiiyak. Tapos dumating yung time na naggive-up si Lara. Tapos nag-antay na lang kung sinong  darating – kung sinong magpapakita ng kanilang worth para maging  boyfriend.


 Anong mas naaappreciate mo – efforts or gifts?

Effort. Yung ipagluluto ka, susunduin ka, hihintayin ka kapag.. alam mo yun . pag-out mo hihintayin ka, ihahatid ka sa mga gusto mong puntahan. Halimbawa hihintayin ka habang nag tatrabaho ka, bibigyan ka ng mga tips, constructive criticisms and all that .yun . Si Lara, gusto niya na nilalambing siya – yung tipikal na babae. Pero mas naaappreciate niya kung tinutulungan din siya na maging productive. Mag-improve sa craft na napili niya. Madami lang jan na lalambingin ka lang di ba? Puro I love you, I love you ganyan. Manonood ng sine, kakain sa labas, pero si Lara ay more of paano. Kasi hindi naman tayo pabata, tumatanda din tayo so, kailangan ni Lara ng someone na magga-guide sa kaniya in terms of decision making – kung paano siya tatanda , kung paano yung career niya habang tumatagal.


Ano sa tingin mo yung nagpapatagal talaga ng relationship?

Love, respect and trust. Yung tatlong yan. Feeling ko kasi, pag mahal mo kailangan irespeto mo siya. Kailangan pagkatiwalaan mo siya. Naniniwala ako na ang pagmamahal pinagta-trabahuhan yan. Kung isa lang ang magta-trabaho sa isang relasyon walang mangyayari. Kung isa lang ang magmamahal, yung isa walang pagmamahal , hindi siya relationship di ba? It’s merely a company. Parang friends lang ganyan. Kung love at trust lang – kulang . Kung respeto at love lang, walang trust – mahirap din yun. Eh kasi magaaway lang kayo nang magaaway.


 Lindsay, what is love?

Love, love is what makes you kilig and what makes you feel like home. If it’s a person, then, siya ‘yung tipong sobrang warm mo kapag kasama mo siya.


 Ano sa tingin mo ang reality ng love?

Kase sa panahon ngayon ang mga ba.. hndi ko naman sasabihing mga bata. Pero yung mga immature – you know they would always seek for a company. Mga sweet sweet things  pa-tweetums , flowers, chocolates without  knowing na may mga bagay na kapag tumanda ka maisasang-tabi mo na at maghahanap ka ng ibang bagay na makakatulong sayo bilang mas mabuting tao. Kasi hindi forever love ang problema ng tao di ba? Darating ang panahon puproblemahin mo na kung papaano ka magbabayad ng bills mo. Tapos kung magkakaroon ka ng boyfriend na walang ginawa kundi gumastos lang para sa chocolates, para sa flowers, para sa dine-in para sa movies, paano na ang ekonomiya niyong dalawa?  So mapapaisip ka rin eh kung ito bang partner kong ito eh tutulungan ba ako pagdating ng panahon? Makaktulong ba siya sa akin sa ekonomiya ko o hindi? Ngayon, kung puro love lang at walang ganung factor  hindi siya makakatulong sayo, i-consider mo din yun. Siguro dapat mag-isip ka na din. Kasi nga hindi habang buhay pag-ibig lang ang kailangan ng tao.