Listen Live

DJ JIMBO

Ano ang ‘yong totoong pangalan?

Ako si Poging Glenn.


Kailan ang birthday ni Poging Glenn?

March 30


Sino ba si DJ Jimbo?

Si DJ Jimbo ay isang simpleng tao na nangarap maging DJ noon, actually eto talaga ‘yung gusto kong mangyari sa buhay ko – maging isang DJ.


Ano ‘yung best part ng pagiging isang DJ?

Best part ng pagiging DJ ko ‘yung tinanggap ako ng mga kasamahan ko na although mas nakakatanda ako sa kanila. Bukod dun siyempre nakakapagbigay rin ako ng saya sa mga tao at naa-appreciate naman nila ‘yung pagiging kalog ko.


Ano naman ang masasabi mo sa partner mo na si Sheena?

Si Sheena kasi ano eh, parang kapatid kong nakaka-bata. Si Sheena kasi siya ‘yung madaling lapitan as in kaibigan. Nagka-sakayan agad kami ng ugali dahil ugaling kalye rin kasi si Sheena eh. ‘Yung mga ano eh, alam mo ‘yung mga pinag-uusapan sa labas alam n’ya – ‘yung mga kantong salitaan. Oo ‘yung kantong salitaan! Mga jologs kami eh!


Kung pareho kayong single ni Sheena, liligawan mo ba siya?

Oo naman siyempre! Sino ba namang hindi mai-inlove sa kaniya?


Kung magdi-date kayo ni Sheena, what’s your ideal date?

Sa ugali ni Sheena, hindi mo na kailangang dalhin sa mga class na restaurant, sa mga simpleng lugar lang talaga. ‘Yon ‘yung mga ganun lang. Hindi naman importante na sa espesyal na lugar eh, ang espesyal dun – ‘yung magkasama kayong dalawa.


Jimbo, what is love?

Ahhh love, ano eh, hanggang ngayon dinadala ko pa rin ‘to. Old school siya, pero ito pa rin. “Love is blind” pa rin. Hahahaha! Napakatagal kong inisip ‘yan!


Ano ang best love advice na maibibigay mo sa mga pangga natin?

Pag nagmahal ka ipakita mo ‘yung totoo pero hindi naman lahat lalo na ngayon. Kailangan mo lang talaga magtira ng kahit konting pagmamahal para sa sarili mo bago mo ibigay lahat.


What’s your motto  in life?

Motto ko in life napakadali – “Time is Gold”. Oo takot kasi akong ma-late! Lagi akong late nung nag-aaral pa ‘ko, ngayon napaka-importante pala lalo na’t nagta-trabaho na.