Listen Live

PAPA JACKSON

Real Name?

John Gemperle


Birthday?

September 8


 Kung hindi ka  DJ, ano ka ngayon?

Farmer or carpenter. Gusto ko talagang maging magsasaka o kaya maging karpintero. Kasi gusto kong gumawa ng sarili kong upuan, lamesa, furnitures.


What’s the best part of being a DJ?

To influence and to affect people positively every day. It does not and it will never get better than this – that you are being paid to tell people what’s on your mind.


Nagbibigay ka rin ba ng love advices sa mga kaibigan mo tulad ng pagbibigay mo sa mga callers mo?

Hindi. Hindi, kasi meron na kong prejudices tsaka meron na kong vini-vision. Kasi kilala ko na sila eh. Hindi na ‘ko makikinig sa kwento, iju-judge ko na lang sa kung papaano, kung gaano ko sila kakilala. Tsaka ‘pag nasa piling ako ng mga kaibigan ko, I do not usually talk about love kasi umay na umay na ko eh.


Bukod sa pagiging DJ, ano pa ang interes  mo sa buhay?

Aso ko, magkutingting ng gitara, architectural designs – na konti lang nakakaalam (tungkol sa’kin).


Namention mo na mahilig kang magkutingting ng gitara. Sino bang iniidolo mo sa music industry?

Sa Pinoy? Johnoy Danao, Noel Cabangon at saka Jimmy Bondoc. Silang tatlo. 


What’s your favorite song?

The Will of the Wind – the song that I never played on guitar. Baka maumay ako. So never ko siyang tinugtog. Kasi it answers so many questions in life. Sabi kasi nung kanta “I spent half my life looking for the reasons things must change”. Feeling ko ako ‘yun eh.


Favorite TV series?

Smallville. Nung college ako, hindi ako naglalakwatsa ng Tuesday. I watch it every Tuesday, 8pm.

All they [the characters]ever wanted is to get out of the Smallville, and go out to dream bigger. Tapos si Rex Luthor na mayaman na nakatira sa Metropolis, gustung-gustong pumunta sa Smallville, parang ang ironic. To make friends with people. There are only five seasons. So I finished only three. Hindi ko na natapos kasi wala na kong pampanood. Wala kaming tv nun eh. 


What’s your everyday ritual?

I have to learn at least one thing every day before I go to bed. Araw-araw ‘yan. It does not matter kung makalimutan ko bukas yung natutunan ko basta kailangan today. So bago matulog, iisipin ko, “did I learn anything new today at least kahit trivia, bagong gawain, bagong tool na pwedeng gamitin?” Basta kailangan may matutunan kasi ‘pag wala, hindi ako matutulog.


What’s the first thing in mind pagka-gising mo?

Pagka-gising ko? Matulog ulit. Literal. Kasi I only sleep four hours every day. Pero mahaba na yung four hours, max na yung four hours every day. Kaya pag gising ko, ang una kong gagawin – try matulog.


 Eto, pinaka-serious na question sa lahat. Last day on Earth, what would you do?

Last day on Earth? What will I do? I’ll spend it with my mom and my daughter. Okay na ‘ko dun. Oo. Mantra ko sa buhay ‘yan eh. Nanay ko tsaka anak ko. Dapat nga tatlo eh, asawa, wala eh. Anak tsaka nanay nalang. And my dogs.


Biggest lesson in life na natutunan mo over the past years?

Biggest lesson in life? Basta ‘wag kang magiging attach sa lahat ng bagay. Mawawala ‘yan. Mawawala lahat ng bagay sa mundo. 


Kung si Papa Jackson yung nagbibigay ng advice sa mga callers, sino yung nagbibigay ng advice kay Papa Jackson?

My daughter. Dati mga kaibigan, but my daughter. Eh kasi kaya na nun magbigay ng interview na pambabae, dalaga na siya eh. ‘Di ba? Kaya na niyang magbigay ng pang-interview ng dalaga, babae. I respect her na. Cool akong tatay eh actually. Hindi ako mahigpit eh.